Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 30 na mag-aamyenda sa EO No. 8.
Sa inilabas na Executive Order na nilagdaan ng Pangulo kahapon, June 2, layunin nitong magpatupad ng reorganization sa National Competitive Council (NCC).
Hagip din ng inisyung EO ang pagbabago sa komposisyon ng Public-Private Partnership Governing Board na ngayon ay bubuuin ng Socio-Economic Planning Secretary bilang Chairperson, Secretary of Finance bilang Vice-Chairperson at mga Kalihim ng Budget and Management, Justice, Trade and Industry, at Executive Secretary bilang mga miyembro.
Isinasaad din sa EO na isang representative mula sa private sector na manggagaling partikular sa isang reputable organization na nasa larangan ng banking business, o infrastructure sector ay itatalaga ng Pangulo.
PPPGB na din ang maglalatag ng strategic direction ng PPP Program at paglikha ng polisiya sa Public Private Partnership. | ulat ni Alvin Baltazar