Ilang lugar sa bansa, uulanin ngayong araw dulot ng habagat -PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makararanas ng mga pag-ulan ngayong maghapon hanggang bukas ng umaga ang ilang lugar sa bansa dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, asahan na umano ang mga pag-ulan sa Zambales,

Bataan, Occidental Mindoro at Northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian Islands.

Sa pagtataya ng PAGASA, mula 50 hanggang 100 millimeters na ulan ang ibubuhos sa mga nabanggit na lugar hanggang bukas.

Hindi pa rin isinasantabi ng weather bureau na magkaroon ng mga pag-baha at pag-ulan.

Sinabi pa ng PAGASA, asahan pa rin daw ang mga pag ulan sa lunes sa nasabing mga lugar maliban sa Calamian Islands. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us