DSWD, nakipagkasundo sa Medical at Funeral Service providers para sa maayos na serbisyo sa mga benepisyaryo ng AICS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kikilalanin at tatanggapin ng mga ospital at punerarya ang mga guarantee letter (GLs) mula sa DSWD.

Ito’y matapos lumagda kanina sa isang kasunduan si DSWD Secretary Rex Gatchalian at ang 25 service providers.

Sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Agreement, ang mga benepisyaryong nakakuha ng guarantee letter sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD ay tatanggapin ng mga partner service provider.

Sila ay bibigyan ng mga kinakailangang serbisyo at pamamaraang medikal gaya ng nakasaad sa sulat. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us