Hinuli ng mga tauhan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang Indian national matapos na iligal na dumaan sa EDSA Busway.
Ayon sa SAICT, naharang ang motorista sa northbound ng Kamuning bridge matapos mapansin ng SAICT na dumaan ito sa busway sa kasagsagan ng rush hour kaninang umaga.
Napag-alamang wala itong maipakitang anumang ID o valid driver’s license at nadiskubre rin na hindi rehistrado ang motorsiklong minamaneho nito.
Dahil dito, inisyuhan siya ng mga paglabag kabilang ang Disregarding Traffic Signs, Driving Without a Valid License, Operating an Unregistered Vehicle, at Reckless Driving.
Dinala na ang dayuhan sa Land Transportation Office sa East Avenue kung saan kinumpiska rin ang kanyang motorsiklo. | ulat ni Diane Lear