Matapos magtungo sa Luzon, Visayas at Mindanao, ngayong araw ay nasa Metro Manila naman nagsagawa ng campaign rally ang mga senatorial candidate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate.
Ginanap ang campaign rally ng Alyansa sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kung saan umabot ng humigit kumulang walong libong mga taga suporta ang dumalo.
Naniniwala si Alyansa campaign manager Cong. Toby Tiangco na makukuha nila ang boto ng mga taga Metro Manila kung mauunawaan ng mga taga NCR kung gaano kahalaga ang magiging papel ng mga alyansa senatoriables sa pagpapatuloy ng mga mahahalagang infrastructure projects dito sa kamaynilaan.
Kabilang na dito ang subway project at ang MRT7 extension.
Sinabi naman ni Congressman Erwin Tulfo na kumpiyansa sila pero hindi nila gustong magpakakampante kaya naman patuloy nilang nililigawan ang mga botante.
Si dating Senador Ping Lacson, malaki ang pasasalamat sa suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang grupo, malaking tulong aniya kapag ang mismong Pangulo ng bansa ang sumusuporta.
Ganito rin ang naging pahayag ni dating Sendor Manny Pacquiao.
Pinunto naman ni Cong. Camille Villar na marami sa kanila sa Alyansa ang taga NCR kaya naman mas nauunawaan nila ang pangangailangan ng mga taga Metro Manila
Mga problemang gaya ng food inflation, traffic congestion at problema sa krimen.
Samantalang pinunto naman ni Mayor Abby Binay na maganda ang line up ng Alyansa dahil may mga galing sa executive at legistalive na may kanya kanyang kontribusyon sa Metro Manila. | ulat ni Nimfa Asuncion