“Pedal for People and Planet” bike ride event, isinasagawa ngayong umaga sa Quezon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

May siyam na kalsada sa lungsod Quezon ang asahang babagal ang daloy ng trapiko ngayong umaga.

May isinasagawa kasing “Pedal for People and Planet” bike ride event ang Asian Peoples’ Movement on Debt and Development ngayong araw na pinasimulan kaninang alas-6:30 hanggang alas-11:00 ng umaga.

Layon ng pagtitipon na ipanawagan ang pagpapatigil sa paggamit ng fossil fuels at pababain sa zero ang greenhouse gas emissions o masasamang usok tulad ng carbon dioxide na naiipit sa atmospera at nagpapainit sa planeta.

Nais nilang gumamit na lang ng renewable energy tulad ng solar at wind.

Nagsimula sa Quezon City Hall ang bike ride event at magiging ruta nito ang Elliptical Road, North Avenue, Agham Road, Quezon Avenue, Welcome Rotonda, Scout Chuatoco, Scout Tobias, Scout Borromeo at East Avenue.

Naka-deploy na rin sa mga nabanggit na mga lugar ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us