Huling araw ng UPCAT sa UP Diliman, dagsa pa rin ng mga estudyante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa ikalawa at huling araw na ngayon ng UP College Admission Test (UPCAT) na sabayang isinasagawa sa buong bansa.

Tulad kahapon, maaga pa lang aynakapila na ang mga mag-aaral para sa morning shift na pagsusulit sa UP Diliman Campus.

Ayon kay Shari Oliquino, ang UP System Assistant Vice President for Student Affairs, umabot ng 104 na libong mag aaral ang kumuha ng admission test sa buong bansa.

Nasa 102 testing centers naman ang binuksan para sa pagsusulit.

Muling ipinatupad ang UPCAT matapos ang tatlong taong suspension dahil sa COVID-19 pandemic. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us