Lumagda ng memorandum of understanding (MOU) ang Philippine Coast Guard, Philippine Information Agency (PIA) at National Youth Commission (NYC) na layong mapahatid sa publiko ang tamang impormasyon kaugnay sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay PIA Director General Katherine de Castro, iniikot nila ang iba’t ibang panig ng bansa upang kausapin ang mga media partners at mabigyan ng tamang impormasyon tungkol sa WPS.
Base aniya sa pahayag ni Commodore Jay Tarriela, ang fake news o disinformation ang isa sa malaking hamon sa nagpapatuloy na laban sa West Philippine Sea na nagbibigay kalituhan sa publiko.
Sinabi naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ang usapin sa WPS ay hindi panandalian lamang kaya dapat alam ng kabataan ang usapin dito.
Ang kabataan aniya ay ang pag-asa ng bayan.
Ayon naman kay Joseph Francisco Ortega, ang chairman ng NYC, kailangan may mga paraan na maintidihan ng kabataan na ang nangyayari ngayon ay may epekto sa kanila, kanilang pamilya at sa pamumuhay. | ulat ni DK Zarate