Labi ng nasawing gobernador ng Negros Oriental naiuwi na sa kanilang lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa Negros Oriental na ang labi ng nasawing gobernador ng lalawigan na si Governor Carlo Jorge Joan “Guido” Reyes.

Hunyo 3 taong kasalukuyan, dumating sa Dumaguete-Sibulan Airport ang eroplanong lulan ang kabaong ni Reyes kung saan sinalubong ito ng military honors.

Mula airport, idineretso ang bangkay ni Governor Guido sa Negros Oriental Provincial Capitol building para sa isang tribute at public viewing.

Isang misa ang ginanap sa main lobby ng kapitolyo kung saan nagbigay ng mensahe at nagpahayag ng pakikiramay ang dating provincial administrator Atty. Karen Lisette Molas, ang bagong gobernador Manuel “Chaco” Sagarbarria, bagong bise gobernador Jaime Reyes.

Sa ngalan ng pamilya Reyes, nagbigay ng kaniyang eulogy si Guihulngan City Vice Mayor Ana Eunica Beatriz Reyes upang sariwain ang naging buhay at serbisyo publiko ng narisang gobernador.

Isang public viewing ang isinagawa sa loob ng kapitolyo para sa mga NegOrense na nais iparating ang personal na pakikiramay at dasal para kay Gov. Guido Reyes.

Matapos nito, dinala na ang labi ni Governor Guido sa kanilang tahanan sa Guihulngan City.

Wala pang pinal na schedule para sa libing ng gobernador na namayapa nitong May 31, 2023 matapos ang pakikipaglaban sa sakit.

Si Reyes ang humalili sa napaslang na gobernador ng Negros Oriental na si Gov. Roel Degamo nito lamang buwan ng Marso 2023. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us