6,000 na mga turista, inaasahang dadagsa sa Summer Frolic Party sa Mati City, Davao Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 6,000 na mga bisita ang inaasahang dadagsa sa pagbabalik ng Summer Frolic Party sa Mati City, Davao Oriental ngayong darating na Hunyo 10 hanggang 11.

Inihayag ni Summer Frolic Focal Person Ralph Ryan Aquino na matapos ang pagkatigil ng nasabing Summer Party ng ilang taon bunsod ng COVID-19 pandemic, inaasahan na dadagsain ito ng mga Partygoers hindi lang mula sa Davao Region kung hindi maging sa ibang panig ng bansa para makisaya.

Ayon kay Aquino, sa pagbabalik ng nasabing event, mas pinalaki ang nasabing party kung saan hindi lang mga local artist ang kanilang mga inimbita maging mga international DJ.

Dagdag nito na sa pagbabalik ng isa sa mga malalaking okasyon sa kanilang lungsod, inaasahan ang pagbabalik sigla ng turismo at ekonomiya sa Mati City. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us