Bago pa magkaroon ng direktiba si Secretary Benhur Abalos, kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency bilang Drug-Free Workplace ang DILG Ilocos Norte.
Sa pahayag ni Atty. Gerald Gallardo, namumuno sa nasabing opisina, nagsagawa na sila ng random drug testing noong ika-8 ng Mayo ngayon taon at lahat ng mga empleyado ay negatibo ang resulta.
Ayon pa kay Atty. Gallardo, mahigpit ang kanilang pagsuporta sa Drug-Free Workplace policy upang mapatunayan na walang empleyado na sangkot sa iligal na druga.
Dagdag ng abogado na mas nauna pang nagsagawa at idineklarang drug free workplace ang Ilocos Norte Police Provincial Office, sumunod ang mga iba’t-ibang police station bago sumalang sa random drug testing ang opisina ng DILG sa lalawigan. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag