Official Corporate Website ng lungsod ng Dagupan, inilunsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal ng inilunsad ang bago at mas pinalawak na website ng lungsod ng Dagupan sa Facebook page ni Mayor Belen T. Fernandez noong Hunyo 03, 2023.

Kasabay ito ng year-long celebration ng ika-75 na taon ng pagiging charter city ng Dagupan mula noong naiapasa ang Republic Act 170 na inakda ni noo`y House Speaker Eugenio Perez.

Ang website ay mayroong iba`t ibang pages at hyperlink. Ilan sa mga pages sa nasabing online platform ang ‘Residents’ page na may komprehensibong gabay para sa serbisyo ng lungsod para sa mamamayan ng dagupan.

Bukod dito, mayroon ding ‘Tourism’ page na nagpapakita ng iba`t ibang atraksyon, paparating na kaganapan at mga lokal na negosyo sa lungsod. Tampok din sa website ang ‘news’ page na magpapakita ng mga proyekto at inisyaatibo ng lungsod.

Palalawigin din ng website ang pagiging transparent ng lungsod kung saan maaaring makita ang mga ulat pananalapi sa ilalim ng ‘Careers’ Page ng website. 

Ang inisyatibong ito ng lungsod ng Dagupan ay hakbang patungo pangakong digitalization upang tiyakin ang pag-unlad ng lungsod. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us