Ipinamalas ng European Union Delegation to the Philippines ang kultura ng iba’t ibang bansa sa Europa sa “Euro Village” cultural festival sa Ortigas Center, Pasig City.
Mula pa kahapon ay binuksan ito sa publiko kung saan itinampok ng mga exhibitor ang samu’t saring mga pagkain at inumin.
May kakaibang pakulo rin na na-experience ang mga bisita kabilang ang virtual reality na pagbibisikleta sa Copenhagen, Denmark at ang paglalaro ng Hungarian sport na teqball.
Binuksan naman ang mga booth para sa mga nais matuto ng mga European language gaya ng Italian, German, French, at Spanish.
Unang nakaplano ang pagbubukas ng Euro Village noong May 27 at 28 subalit na-postpone dahil sa bagyong #BettyPH.| ulat ni Bernard Jaudian Jr.