ASEAN-CHINA Code of Conduct sa South China Sea, isinulong ni Galvez sa Defense Summit sa Singapore

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa pagbuo ng isang makabuluhang Code of Conduct sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China.

Ang pahayag ay ginawa ni Galvez sa kanyang pagtalakay sa paksang “Building a Stable and Balanced Asia-Pacific”, sa tatlong araw na “International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue (SLD)” sa Singapore mula June 2 hanggang June 4.

Ang SLD ang pangunahing defense summit sa Asya kung saan taunang nagtitipon ang defense ministers, senior military officials, diplomats, at security experts at practitioners, para pag-usapan ang mga mahahalagang security issue sa rehiyon.

Sa kanyang statement, sinabi ni Galvez na para mapanatili ang mahabang kapayapaan at stabilidad sa rehiyon, mahalagang bigyan ng importansya ang rule of law at ang tuloy-tuloy na diyalogo at “multilateralism”.

Kaugnay nito, hinimok ni Galvez ang lahat ng mga bansang naniniwala sa rule of law, na suportahan ang 2016 Arbitral Ruling na kumilala sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea, para mapangalagaan ang pandaigdigang kaayusan sa karagatan. | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us