Sakaling palarin na makabalik sa Senado, tiniyak ni dating Sen. Panfilo Lacson sisigurihin nilang may sapat na budget ang mga bagong regional offices ng gobyerno sa bagong Negros Island Region (NIR) para sa 2026.
Sa pulong balitaan sa Bacolod, natanong ang mga senatorial candidates tungkol sa budget ng NIR lalo na at naging epektibo na ito nitong February 19, ngunit walang funding na naisama sa 2025 National budget.
Aniya umiiral o ginagamit na ang 2025 National Budget kaya ang maaaring remedyo na lang dito ay realignment ng unprogrammed funds.
Ngunit para sa 2026, sisiguruhin aniya nila na may sapat na pondo ang NIR para sa pagtatatag ng mga regional offices.
“…the best thing to do for Congress, particularly the Senate, is to make sure magkaroon ng funding kasi ang daming io-organize. Mga regional offices, tapos sa ngayon I understand ang NEDA, OIC nandiyan parang team leader. Walang regional office ang NEDA, walang regional office ang line agencies. So kailangan talaga make sure magkaroon ng funding in the 2026 budget kung di na-address ito sa 2025 budget.” ani Lacson.
Sabi pa niya, maaari naman na multi tear ang pagpopondo kung hindi kakayanin ng isang bagsakan para sa 2026.
Mahalaga aniya nag sapat na pondo para mapabilis ang pag-organize ng mga regional offices.
“Siguro in deliberation of the 2026 budget when it goes to the Senate from the House, we’ll make sure the items needed maski hindi for the particular year 2026, maski multi-year kung di kakayanin, at least ma-accelerate ang organization ng new region.” dagdag pa niya | ulat ni Kathleen Forbes