Welcome para kay Finance Secretary Ralph Recto ang matagal nang hinihintay na pag-alis ng Pilipinas sa dirty money “grey list” ng Financial Action Task Force (FATF).
Ayon kay Recto, patunay ito ng seal of good housekeeping ng pamahalaan.
Higit aniya, makikinabang dito ang mga kababayan nating nasa ibayong dagat na nagpapadala ng kanilang remittances sa bansa.
Pinasalamatan din ni Recto ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na nagtulong-tulong at nagsikap upang makamit ang target ng bansa na maalis na ang Pilipinas sa listahan ng global watchdog jurisdiction.
Maalalang noong Hunyo 2021 isinailalim ng FATF ang bansa sa listahan ng may mahigpit na monitoring sa anti-money laundering at terrorism financing. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes