Israeli Foreign Minister Eli Cohen, dumating sa bansa para palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Israel at Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating kagabi sa bansa ang Foreign Minister ng bansang Israel na si Eliyahu Cohen upang magsagawa ng bilateral talks sa Philippine Counterpart nito.

Ang dalawang araw na pagbisita nito ay inaasahang mapapalakas ang makasaysayang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas at mapalakas rin ang kasalukuyang partnership nito sa aspeto ng agrikultura, tubig, innovation and technology at economic cooperation.

Inaasahan rin na mamayang tanghali ay magkakaroon ito ng bilateral meeting kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at lalagda sa mga kasunduan.

Kasama rin ni Cohen sa kanyang pagbisita sa bansa ay ang business delegation mula Israel na makikipag-ugnayan sa mga negosyanteng Pilipino upang mapataas pa ang trade at economic cooperation ng dalawang bansa.

Inaasahan rin na magkakaroon ng courtesy call si Cohen kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Noong 2018 ng huling beses bumisita ang Foreign Minister ng Israel na nagbigay-daan sa pagbubukas ng Defense at Economic Attaché Offices ng Israel sa Maynila, paglagda ng bilateral agreement para sa mga OFW, at pagpapalawig ng defense cooperation.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: Israel Embassy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us