Nakiisa ang Pilipinas sa pagdiriwang ng World Environment Day ngayong Lunes, June 5.
Pinangunahan mismo ni Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang pagdiriwang ngayong taon na may temang “No To Waste: Advancing Circular Economy to #BeatPlasticPollution.
Sa unang bahagi ng programa, nagsagawa ang DENR ng tree-planting activity sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife kung saan nakasama ng kalihim ang iba pang opisyal ng ahensya.
Aabot sa 33 native tree seedlings ang itinanim ng mga ito kabilang ang tatlong natukoy na endangered trees na Lapnisan, Mangkono, at Tidnalo.
Sa kanya namang talumpati, ipinunto ni Sec. Loyzaga ang plano nitong pagandahin ang National Wildlife Center para maihanay ito sa global standard.
Kasunod nito, inaasahang magsasagawa ang DENR ng forum kasama ang mga strategic partner at stakeholder nito.
Dito, nakatakdang ibahagi ang mga inisyatibo ng pribadong sektor sa plastic waste management.
Bukod sa DENR Central Office, magkakaroon din ang mga regional office nito ng simultaneous na aktibidad gaya ng tree planting at coastal, estero, maging river cleanup. | ulat ni Merry Ann Bastasa