Positibo ang isang mambabatas na lalo pang uunlad ang sektor ng agrikultura matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng geo-mapping ng agricultural lands.
Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, sa pamamagitan ng geo-mapping ay matutukoy kung anong mga pananim ang akma sa isang ispesipikong lupain.
Sa pamamagitan nito ay mas mapapalakas ng mga magsasaka ang kanilang ani.
Magagabayan din aniya ang gobyerno sa kung anong tulong at intervention ang kakailanganin ng magsasaka para mapataba at mapaunlad pa ang kanilang lupain.
“Geo-mapping of Agri-lands is a crucial step towards harnessing the full potential of our agricultural resources. By accurately mapping and understanding the specific characteristics of our lands, we can optimize resource allocation, implement targeted interventions, and ensure sustainable agricultural development,” ani Co.
Hinimok naman ni Co ang iba’t ibang ahensya na i-consolidate ang kanilang mga datos at mapa upang mapadali ang pag-resolba sa isyu ng titulo sa mga lupang sakahan.
Dagdag pa ng kongresista na susuportahan niya ang mga inisyatiba sa paggamit sa makabagong teknolohiya gaya ng geo-mapping upang makapaglatag ng data-driven policy ang pamahalaan lalo na pagdating sa pagpapalakas ng food production ng bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes