Upang paghusayin ang panukalang reporma sa pension system ng mga Military Uniformed Personnel (MUP), nagsagawa ng adjustement ang Department of Finance (DOF).
Kasunod ito ng isinagawang mga “initial consultations” ng economic team sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Airforce (PAF), at Presidential Security Group (PSG).
Ayon kay Finance Undersecretary Marie Luwalhati Dorotan Tiuseco, sa ilalim ng “enhance proposal,” ang mga MUPs na mag-a-avail ng optional retirement ay papipiliin sa tatlong opsyon para sa kanilang pension benefits.
Ang una ay maari nilang kunin lahat ng kanilang retirement benefit bilang “one lump sum upon retirement,” pangalawa ay 60 months advance at pagkatapos ng limang taon ay magsisimula na ang kanilang monthly pension, habang ang pangatlo ay magsisimula ang kanilang pension benefits sa edad na 57.
Ang bagong “options” na ito ay upang ikonsidera ang magkakaibang sitwasyong pinansyal ng mga MUPs.
Tiniyak naman ng Department of Finance sa mga MUPs na base sa direktiba sa kanila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay magsasagawa sila ng pag-aaral sa kasalukuyang pension systems ng iba pang mga government agencies. | ulat ni Melany Valdoz Reyes
📸: DOF