DA, tinalakay na ang posibilidad na makapagbigay ng subsidiya sa ASF vaccine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Agriculture na ikinukonsidera na nito ang posibilidad na magbigay ng subsidiya sa mga hog raiser sa oras na masimulan na ang rollout ng AVAC ASF vaccine sa bansa.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Asec. Rex Estoperez, nakikipag-usap na sila sa Bureau of Animal Industry para mahanapan ng pondo kung sakali ang bakuna.

Tugon ito ng DA sa hirit ng ilang hog farmers na sagutin o magbigay ng kahit subsidiya ang pamahalaan para makatulong sa small and medium scale local hog farmers.

Paliwanag naman ni Asec. Rex Estoperez, hindi pa makapag-commit ngayon ang DA dahil wala pa namang inilalabas na presyo ng kada dose ng ASF vaccine.

Dedepende rin aniya ito sa supply at demand o kung marami ang suplay ng bakuna ay baka maibaba ang presyo nito.

Kung kinakailangan, handa ang DA na humiling ng dagdag na pondo sa DBM para sa ASF vaccine subsidy o gamitin ang quick response fund nito.

Pinag-aaralan din nito ang paghingi ng tulong sa kongreso para maitaas ang pondo ng Bureau of Animal Industry para magkaroon ng alokasyon sa bakuna.

Sa ngayon, hinihintay pa ng Bureau of Animal Industry ang pag-apruba ng FDA sa rekomendasyon nito na bakuna kontra ASF. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us