Nag-anunsyo na ang mga kumpanya ng langis ukol sa ipatutupad nilang rollback sa mga produktong petrolyo epektibo bukas, Hunyo 6.
Unang magpapatupad ng rollback sa gasolina at diesel ang mga kumpanyang CleanFuel at Caltex ganap na alas-12:01 ng hatinggabi mamaya.
Gasoline P0.60/L ⬇️ (rollback)
Diesel P0.30/L⬇️ (rollback)
Susundan naman ito ng mga kumpaniyang Shell, SeaOil, PetroGazz ganap na alas-sais ng umaga sa kaparehong rollback sa gasolina at diesel
Samantala, may rollback din na P0.60/L ⬇️ ang mga kumpaniyang Shell, SeaOil at Caltex sa kanilang kerosene. | ulat ni Jaymark Dagala