Bilang bahagi ng kick off ceremony nito, isinagawa kamakailan ang parada ng fire trucks sa city proper ng lungsod at nakipag-ugnayan ang ZCFD sa Zamboanga City Medical Center para sa isinagawang blood-letting activity.
Highlight sa programa ang inilunsad na Fire Alert Channel sa pamamagitan ng Telegram application kung saan makakatanggap ang publiko ng real-time notification ng mga insidente ng sunog sa lungsod ng Zamboanga.
Inilunsad din ang ZCFD ambulance matapos itong mabigyan ng license to operate ng Department of Health kung saan tutugon ito sa mga fire o non-fire related na mga emergency call.
Pinapasalamatan naman ng ZCFD ang partner-agencies at ang publiko sa matibay na suporta sa mga programa ng BFP para isulong ang isang fire-safe na komunidad. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga