????? ??? ???????-???????? ?? ???????? ????????? ??????? ?? ????????? ??? ???, ??????????? ?? ???-???-?

Facebook
Twitter
LinkedIn
? Zamboanga del Sur Provincial Government

Umabot sa 389 na student-grantees mula sa Zamboanga del Sur Provincial Government College ang nakatanggap ng tig-20,000 pesos na tulong pinansyal.

Ang naturang mga estudyante ay mga benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy o TES program ng pambansang pamahalaan.

May kabuuang P7.78-million halaga ng financial educational assistance ang natanggap ng student-grantees mula sa Pagadian at Aurora campus ng Zamboanga del Sur Provincial College.

Sa kasagsagan ng distribusyon, hinimok ng pamahalaang panlalawigan ang grantees na gamitin nang husto ang natanggap nilang tulong pinansyal dahil hindi lahat ng mga estudyante ay nabibigyan ng tertiary education subsidy ng pambansang pamahalaan.

Ang TES ay isang grant-in-aid program ng gobyerno, sa ilalim ng Republic Act 10931, na nagbibigay suporta sa mga kuwalipikadong disadvantaged students, at sa mga estudyanteng nakatira at nag-aaral sa mga lungsod at bayan na walang pampublikong unibersidad. | ulat ni Celestino Cubol | RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us