Lokal na pamahalaan ng Iligan City, namahagi kamakailan ng ayuda para sa mga biktima ng sunog sa nakalipas na linggo sa Barangay Tubod, Ang nasabing distribusyon ng ayuda ay pinangunahan ng butihing alkalde ng lungsod, Mayor Frederick Siao kasama ang ibang kawani ng LGU Iligan City.
Ang mga apektadong pamilya ay nakatanggap ng ayudang pagkain at iba’t ibang pangunahing pangangailangan tulad ng sleeping kits, hygiene kits, kitchen utensils at iba pa mula sa Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office at sa mga lokal na tanggapan ng Iligan City.
Kasama sa pagbisita ng alkalde ng lungsod, Mayor Siao ay ang Vice Mayor, Hon. Marianito Alemania at Councilor Ramil Emborong kung saan dinagdagan ng pinansyal na tulong ang ayuda. Ang Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng tsinelas, undergarments at iba pang kakailanganin ng mga biktima sa panandaliang paninirahan sa evacuation center. | ulat ni Alwidad Basher | RP1 Iligan
Photo: City Government of Iligan