Pagpapasabog ng NPA ng Anti-Personnel Mine sa Samar, kinondena ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapasabog ng New People’s Army (NPA) ng Anti-Personnel Mine (APM) sa Barangay Magsaysay, Las Navas, Northern Samar na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang indibidwal noong Hunyo 3.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, isa nanamang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ang ginawa ng NPA sa pag-atake sa mga inosenteng biktima na pauwi lang galing sa pagtatrabaho sa isang farm-to-market road project.

Ayon kay Col. Aguilar, desperado na ang NPA dahil sa kanilang sunod-sunod na pagkatalo sa Visayas Region.

Kaugnay nito, sinabi ni Aguilar na nakaalerto sila sa mga posibleng kaparehong pag-atake ng NPA at patuloy na tinutugis ang iba pang rebelde sa Visayas.

Ipinaabot naman ni Col. Aguilar ang pakikiramay ng AFP sa pamilya ng mga biktimang sina Roel Lebico at Jerson Cabe, kasabay ng pagtiyak na gagawin ng militar ang lahat para mapatawan ng hustisya ang mga responsable sa krimen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us