Pagsu-supply ng agri-products ng mga magsasaka sa BJMP, magtutuloy-tuloy pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Regular pa ring magsu-supply ng agricultural products ang Agrarian Reform Beneficiary Organizations sa mga kulungan ng mga Persons Deprived of Liberty sa buong bansa.

Kasunod nito ng muling pag-renew ng partnership ng Bureau of Jail Management and Penology at Department of Agrarian Reform.

Sinabi ni DAR Undersecretary for Support Services Office Milagros Isabel Cristobal, ipinatupad ang kasunduan sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP).

Sa pamamagitan din nito ay mapapataas ang farm productivity income at matiyak ang food security gayundin na mabawasan ang lebel ng malnutrisyon sa rural communities.

Bukod dito,kumikita din ang mga magsasaka sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us