Gumagawa na ng paraan ang Department of Agriculture para matugunan ang sobra-sobrang suplay ng kalabasa partikular na sa Region 3.
Ito kasunod ng napaulat na bumabahang suplay ng kalabasa gaya nalang sa bayan ng Zaragoza at Talavera, Nueva Ecija
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Kristine Evangelista, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan para mapaigting ang market linkage.
Tutulong rin ang DA sa logistics para maiparating sa Metro Manila ang mga kalabasa.
May direktiba na rin sa DA regional office para madala ang limang tonelada ng kalabasa at maibenta sa Kadiwa stores sa murang halaga.
Plano rin ng DA na i-proseso ang mga matitira pang kalabasa upang magamit sa darating na Agosto kung kailan inaasahang mataas ang demand para sa kalabasa lalo sa institutional buyers.
Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa DSWD para sa posibilidad na maisama sa relief goods ang pamamahagi rin ng kalabasa.
Sa ngayon, mayroon pa aniyang 30,000 tonelada ng kalabasa ang naiiwan ngunit may inaasahan pang aanihin sa mga susunod na araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa