US, nagbigay ng ₱20-M para sa mataas na edukasyon ng Out of School Youth

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaloob ng 20 milyong pisong grant ang United States Agency for International Development (USAID) sa Philippine Higher Educational Institutions (HEI) para sa mga programa na pakikinabangan ng Out of school youth (OSY).

Ang pondo na ipinagkaloob sa ilalim ng USAID Opportunity 2.0 program, ay binubuo ng “O2 GAIN Grants,” para sa lokal na “development priorities” para sa mga OSY, at “O2-ASPIRE Grants,” na susuporta sa “partnership” ng mga lokal na HEI at HEI sa Estados Unidos tungo sa pag-asenso ng mga “out of school youth”.

Ang mga grant ay gagamitin sa “academic research”, pagtuklas ng “technological solutions”, at pagpapahusay ng kalidad ng serbisyo para sa mga OSY.

Ang pag-anunsyo sa bagong grant ay ginawa ni USAID Mission Director Ryan Washburn sa Opportunity 2.0 program Higher Education Learning Summit sa Quezon City, na dinaluhan ng mahigit 200 USAID partners sa bansa.

Ang Opportunity 2.0 program ay nakatulong na sa mahigit 35,000 kabataang Pilipino, sa paghahanap ng trabaho, pagsisimula ng negosyo, at pagbabalik sa pag-aaral. | ulat ni Leo Sarne

📷: US Embassy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us