Mahigit P2.5-M na shabu nakumpiska sa buy-bust operation; subject patay matapos manlaban sa awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa P2.58-million halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sapao, Dumangas, Iloilo.

Patay sa operasyon ang subject ng kapulisan na si Gerald Joseph Ruben Gelario, residente ng bayan ng Oton, Iloilo.

Ayon kay IPPO Spokesperson P/Major Rolando Araño, nabilhan ng P20,000 shabu ang suspek ng nakaramdam ito na police poseur buyer ang kanyang ka-transkayon.

Doon na nagpaputok si Gelario at nangyari ang madugong engkwentro.

Isinugod pa sa ospital ang suspek pero idineklara itong dead on arrival.

Dagdag na pahayag ni Araño, tatlong araw na tinutukan ng kapulisan ng Provincial Drug Enforcement Unit ang subject dahil palipat-lipat ito ng transaksyon.

Narecover ng kapulisan ang 380 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.58-million.

Narecover din ng mga operatiba ang mga basiyo ng bala at calibre .45 baril ng suspek.

Ikinalulungkot ng IPPO ang nangyari sa suspek pero umaasa silang magsilbi itong babala sa mga tulak ng droga na patuloy pa rin sa iligal na gawain. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us