Pagtaas sa riding cap allocation sa motorcycle taxi, itinanggi ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang inaaprubahang increase sa Motorcycle Taxi Pilot study ang technical working group (TWG) ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa LTFRB, wala silang inilalabas na kautusan o approval ng increase sa rider cap allocation para sa mga Motor Cycle Taxi Pilot Study participants.

Base sa official pronouncement ng MC Taxi TWG noong Pebrero 14, 2020, ang final list ng riders na pinapayagan na mag-operate sa Metro Manila sa pilot study participants ay ang Angkas na may 23,164 members, Joyride na may 15,000 members, at Move It na may 6,836 members.

Kamakailan lamang, inilatag ng Grab Philippines ang ambitious strategy sa pamamagitan ng pagpapalawak ng riders ng 15,000 sa Metro Manila.

Mismong anng general manager nito na si Wayne Jacinto ang nag-anunsiyo sa bagong estratihiya.

Matatandaang nasangkot na sa kontrobersiya ang ikatlong player ng MC Taxi Pilot Study.

Hindi na kasi bago ang Singaporean company na Grap Philippines sa kontrobersiya, nang akusahan ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) sa “backdoor entry” sa government’s motorcycle taxi program.

Paglilinaw ni LCSP Founder Atty. Ariel Inton, hindi naman tutol ang kanilang hanay sa pagpasok ng bagong player bagkus dapat gawin ito pagkatapos ng pilot study.

Ayon sa LTFRB, pag-aaralan pa nila kung papatawan ng parusa ang MC Taxi company dahil sa hindi awtorisadong pagtataas ng rider cap allocation. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us