Mayroon pang pitong sub-variant ng COVID-19 ang binabantayan ng World Health Organization (WHO) sa kasalukuyan.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na una nang naitala ang mga sub-variant na ito sa 156 na bansa.
Aniya, ang mga sub-variants na ito ay sakop pa rin ng Omicron, BA.2, at XBB.
Nangangahulugan lamang ito ayon kay Solante na hindi pa natatapos ang COVID-19, kaya’t mainam na panatilihin pa rin ang pagsusuot ng facemask, lalo na sa mga siksikan at matataong lugar.
“Still need to be watchful, hindi tayo maging kampante because there are other seven variants under monitoring ng WHO na we don’t know yet kung darating dito sa atin or nandito na, but we have to monitor sa mga kaso.” —Dr. Solante.
Sa oras aniya na makaramdam ng sintomas ng COVID-19, agad na isailalim sa isolation ang sarili.
“Dapat pa rin nating bantayan and we have to be vigilant in terms of wearing our facemask, especially high risk areas at magmatyag. Kung may mga sintomas, probably you need to isolate yourself.” —Dr. Solante.| ulat ni Racquel Bayan