Umabot na sa 466 mula sa 955 na Courtesy Resignation ng mga 3rd Level Officer ng Philippine National Police (PNP) ang na-review ng 5-man advisory Group na magrerekomenda kung alin sa mga ito ang tatanggapin.
Ito ang iniulat ni PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan matapos ang huling pagpupulong kahapon ng grupo na pinamumunuan ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Ayon kay Maranan, itutuloy ng grupo ang pag-aaral sa nalalabing mahigit 400 pang Courtesy resignation sa kanilang mga susunod na pagpupulong.
Una nang napagkasunduan ng grupo na magpulong ng dalawang beses sa isang linggo para matapos ang kanilang trabaho bago magretiro sa serbisyo si Gen. Azurin.
Ayon pa kay Maranan, naghahanda na ang 5-man advisory group ng comprehensive report na isusumite kay DILG Secretary at NAPOLCOM Chairman, Atty. Benjamin Abalos Jr. na sya namang magpapasa ng rekomendasyon para paarubhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. | ulat ni Leo Sarne