Umaasa si House Deputy Majority leader at Iloilo Rep. Janette Garin na minimal lamang ang epekto sa ekonomiya ng isyu ng pagkakaaresto ng International Criminal Court kay dating pangulo Rodrigo Roa Duterte.
Sinabi ni Garin, posibleng maliit lamang ang maging epekto nito sa financial market sa ngayon, dulot ng malawakang protesta ng mga supporters ni Duterte.
Ayon sa solon, inaasahan din ito na babalik sa normal kapag bumaba na daw ang emosyon ng publiko.
Dagdag pa ni Garin, kabilang ito sa tinitignan ng mga negosyante at investors sa ngayon.
Kapag anya humupa na ang emosyon at nakita na ginagawa ng gobyerno ang lahat kabilang ang pag-asiste sa dating pangulo sa kanyang kinakaharap na kaso sa ICC ay asahan ang pagpasok ng karagdagang pamumuhunan sa bansa. | ulat ni Melany Reyes