Pinuri ng isang mambabatas ang ipinatupad na maximum tolerance ng kapulisan nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na tinukoy ni Iloilo Rep. Janette Garin ang hindi na pagpatol ni CIDG Chief Nicolas Torre, kahit minura siya ng dating presidential daughter na si Veronica “Kitty” Duterte habang isinasagawa ang pag-aresto.
Ayon kay Garin, tama lang ang ginawa ni Torre at ng pambansang pulisya na unawain ang mataas na emosyon ng pamilya Duterte noong panahong iyon.
Sabi pa niya, kung pinatulan ito, tiyak na mabibigyan ito ng ibang kahulugan.
Sa hiwalay na panayam kay Torre, sinabi niya na mas matitindi pa ang kanyang naranasan kaya’t kumapal na ang kanyang balat at sanay na siya sa mura. | ulat ni Kathleen Forbes