Nakipag-alyansa ang Land Transportation Office (LTO) sa iba’t ibang transport groups para itaas ang insurance sa mga sasakyan.
Ito ang napagpasyahan sa ipinatawag na public consultation sa pagitan ng LTO, transport groups, at iba pang stakeholders kamakailan.
Dito, tiniyak ni LTO Chief Vigor Mendoza ang agarang pagtugon sa mga alalahanin ng insurance companies, partikular na ang usapin sa mga hindi awtorisadong nagbebenta ng Compulsory Third Party Liability (CTPL).
Sa pulong, bawat panig at rekomendasyon ay pinakinggan upang mapahusay pa ang serbisyo ng LTO.
Napagpasiyahan ang pangangailangan ng pagtaas sa benepisyo sa ilalim ng insurance at ang katiyakan na mapabilis ang pagbabayad ng claims.
Nangako rin si Mendoza sa mga insurance company na personal niyang babantayan ang mga operasyon laban sa mga nagbebenta ng CTPL nang walang pahintulot mula sa Insurance Commission. | ulat ni Rey Ferrer