Kaninang 2:50 ng madaling araw, Sabado, Marso 15, nadiskaril ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na ginagamit bilang ‘Inspection Train’. Ito ay matapos salpukin ng isang tanker truck habang binabagtas ang Paloyon Crossing sa Nabua, Camarines Sur.
Ang ‘inspection train’ ng PNR ay pinapatakbo para inspeksiyunin ang mga riles bago daanan ng passenger train, upang masiguro na ligtas ang biyahe ng tren at walang obstruction sa rutang Legazpi to Naga.
Matapos ang insidente, kaagad na dinala ng mga tauhan ng PNR sa Bicol Medical Center ang truck driver, na nagtamo ng mga sugat at nasa ligtas ng kondisyon.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNR sa nasabing insidente. Nakikipagtulungan na rin ang ahensiya sa mga kinauukulan, kabilang na sa kumpanya ng truck na Fuel2Go Distribution Co.
Humihingi ng paumanhin ang pamunuan ng PNR sa publiko. Ginagawa ng ahensiya ang lahat upang maisaayos kaagad ang nadiskaril na tren sa bahagi ng Naga-Legaspi. Inaasahang maaayos ang apektadong bahagi ng riles bukas ng umaga.
Ipinapaalala ng PNR sa mga motorista at pedestrian na maging ma-ingat sa pagtawid sa mga railroad crossing at palaging sundin ang ‘safety principle’ na Stop, Look, and Listen, upang maiwasan na mangyari ang kaparehong insidente.
Manatiling naka-follow at like sa official Facebook page ng PNR para sa mga bagong impormasyon at schedule ng biyahe ng mga tren. | via Jaymark Dagala



