Pinag-iingat ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang katutubong pamayanan sa pagtanggap ng alok na trabaho lalo na sa ibang bansa.
Naglabas ng pahayag ang NCIP kasunod ng pagkasagip sa walong IPs na naging biktima ng human trafficking sa Malaysia.
Pinayuhan ang mga IP na makipag-ugnayan muna sa NCIP o alinmang tanggapan ng pamahalaan bago tanggapin ang alok na trabaho para masiguro na legal, ligtas at makatao ito.
Ang mga nailigtas na mga katutubo ay nabiktima ng illegal recruitment at nakapagtrabaho sa Malaysia.
Batay sa ulat, dumanas sila ng matinding hirap sa kamay ng kanilang mga employer.
Sa tulong ng NCIP– Zamboanga City Office, DFA, DMW, DSWD at Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, naiuwi ang walong katutubo. | ulat ni Rey Ferrer