Hinihikayat ng Quezon City Government ang mga residente na mag-donate ng lumang damit na maaari pang maisuot at magamit.
Ginawa ng LGU ang panawagan kasabay ng inilunsad na “Clothes Donation Drive” bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng United Nations Environment Programme (UNEP) International Day of Zero Waste na may temang “Towards Zero Waste in Fashion and Textiles.”
Layon ng nito na mabawasan ang textile waste sa lungsod sa pamamagitan ng pag-recycle o upcycle ng mga damit at iba pang ‘pre-loved’ na kasuotan.
Ang mga donasyong damit ay maaaring dalhin sa Car-Free, CareFree Tomas Morato ngayong araw, na nagsimula na kaninang alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng umaga.
Maaari ring dalhin ang mga donasyon sa District Action Offices o sa Kilo/s Kyusi Permanent Store sa Quezon City Hall.
Bukas ito Lunes hanggang Biyernes mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. | ulat ni Rey Ferrer