Ginaganap na ngayong umaga sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal ang BJMP Provincial Trade Fair 2025.
Matatagpuan ito sa harap ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu.
Tampok sa trade fair ang mga handcrafted products o gawang kamay na produkto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa anunsyo ng San Mateo LGU, nagmula ang mga produkto sa iba’t ibang jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa iba’t ibang bayan sa Rizal.
Binibigyang+diin ng trade fair na hindi lamang nito itinatampok ang pagkamalikhain ng mga PDL. Kung hindi maging ang pagpapaunlad pa ng kanilang mga natatanging kakayahan sa sining at paggawa.
Sinusuportahan din nito ang kanilang rehabilitasyon at mga programang pangkabuhayan. | ulat ni Rey Ferrer