Davao Region Farmers, nag-dominate sa Philippine Quality Coffee Competition sa WTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang mga magsasaka na nagtatanim ng Arabica variety ng kape sa paahan ng Mt. Apo sa Davao del Sur ay ang nag-dominate sa 2023 Philippine Coffee Quality Competition (PCQC).

Ito ay ayon sa inanunsyo noong Linggo (June 4) sa Philippine Coffee Expo na inilunsad sa World Trade Center sa Metro Manila.

Sa mahigit 100 participants mula sa buong bansa, si John Laurence dela Cerna ang naging second placer na sinundan ni Dione Faciol Ellaga, third place.

Nailista rin sa best specialty coffee si Rogelio Gonzalez, fifth place; Cecilia Cavalida, eighth place; Cherry Cabanday, 10th place; Roquita dela Cerna, 11th place; at si Lendilou Loon ay ang nakakuha ng 12th place at sa Special Award for Best Processing Method (Honey).

Sa isang panayam, si Department of Agriculture (DA) XI Regional Executive Director Abel James I. Monteagudo ay nagpasalamat sa mga coffee farmers sa Davao region dahil sa kanilang pagkaaktibong partners ng DA para sa pagpa-improve ng kalidad ng produkto.

“I would like to congratulate our coffee farmers for making it big not just in the local but in the international markets.”dagdag pa ni Monteagudo.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us