Tinanggal na sa puwesto ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon si Metro Rail Transit (MRT) line 3 General Manager Oscar Bongon.
Ayon sa kalihim, naisumite na niya ang rekomendasyon hinggil sa kahalili ni Bongon sa puwesto.
Hinihintay na lamang sa ngayon ani Dizon ang appointment papers na magmumula naman sa tanggapan ng Pangulo.
Magugunitang ikinadismaya ng kalihim ang nangyaring pagpalya sa escalator ng MRT-3 sa Taft Avenue station noong Marso 8 kung saan 10 pasahero ng tren ang nasugatan sa nangyaring insidente.
Naisaaayos naman na ng maintenance provider nitong Sumitomo Corporation ang nasirang escalator makalipas ang tatlong araw.
Kahapon, sumakay sa MRT-3 si Dizon para kunin ang pulso ng publiko hinggil sa kung paano mapagbubuti ang serbisyo nito. | ulat ni Jaymark Dagala