Hiningi ng Malacañang ang tulong ng mga nasa mainstream media sa harap na din ng maraming lumalabas na fake news.
Sinabi ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na sa mga kabi-kabilang nagaganap na misinformation ay malaki ang maitutulong ng mga nasa main stream lalo na sa aspeto ng fact checking.
Dagdag ni Castro, na kung kredibilidad ang pag-uusapan ay hindi makukuwestiyon ang mga nasa main stream media na aniya ay pinaniniwalaan.
Kaya ang apela ng Malacañang, magtulungan ang media at pamahalaan laban sa mga pekeng impormasyon para na rin sa bayan.
Dapat na aniyang maputol ang paglabas ng fake news, hindi lang para sa EJK kung hindi pati na ang mga fake news na lumalabas pabor kay dating Pangulong Duterte. | ulat ni Alvin Baltazar