Approve para sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang isang oras na extension sa operasyon ng tren.
Iniutos ito ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa pamunuan ng MRT, matapos ang isinagawang inspeksyon kung saan personal na sumakay ng tren ang kalihim mula Taft hanggang Ayala station.
Ibig sabihin, mula alas-9:30 ng gabi na huling biyahe sa North Avenue station ito ay magiging 10:30 na ng gabi.
Ayon sa pasaherong si JR Evangelio, good news lalo na para sa mga kapwa niya manggagawa na ginagabi sa trabaho.
Aniya, magandang hakbang ito para hindi na mahirapan sa pag-commute ang mga pasahero.
Sinangayunan din ito ni Dave, na sinabing mas mabilis pa rin ang biyahe kung MRT-3 ang masasakyan ng mga pasahero lalo na kung gabi.
Bukod sa pag-extend ng oras, iniutos din ni Sec. Dizon na dagdagan ang mga tren na bumabiyahe sa MRT-3 tuwing rush hour. | ulat ni Merry Ann Bastasa