Kumpiyansa si House Deputy Majority Leader Paolo Ortega na mas lalo pang lumakas ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, partikular na ang isyu sa maling paggamit ng confidential funds.
Ito ay matapos mabunyag na may iba pang kwestiyunableng pangalan na nakatanggap ng bayad gamit ang confidential fund.
Aniya, kung siya ang tatanungin ay sure conviction ang articles 1 na patungkol sa pagbabanta niya laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at article 2 na patungkol sa confidential funds.
“Hindi ko talaga makita paano nila ito ipapaliwanag. Kaya isa ito sa mga Top 2 ko talaga (sure conviction)…If I was [in] the shoes ng mga prosecutor, o kaya if I was a senator judge, yan po yung osbrang glaring e. Nasa social media po lahat yan. Pinagpiyestahan na po ng tao,” ani Ortega.
Nitong weekend nang isiwalat ni Ortega ang mga pangalang Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, at Dodong S. Barok at Jay Kamote at Miggy Mango.
Aniya, sa mga indibidwal na ito ay aabot sa P50 million ang kanilang natanggap batay sa acknowledgement receipts.
Giit niya, kung code name lang ang mga ito ay dapat noon pa ito naipaliwanag ng mga opisyal ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) nang unang lumabas si Mary Grace Piattos.
“May proseso tayong sinusunod dyan. kung hindi man real names, then napaliwanag na dapat nila nung umpisa pa na kung code names man yung ginagamit nila yan for protection or for safety ng tao. dapat nandun sa proseso na merong kung may confidentiality man yan yung mga sealed envelops nila. Lalabas at lalabas din po yung mga ganiyang bagay kasi nagiging questiin of corruption.l yan e,” dagdag ng Deputy majority leader.
Nakakalungkot lang aniya na sa kabila ng batas at panuntunan na umiiral sa pag-audit ng confidential funds ay hinanapan pa rin ito ng butas at inabuso. | ulat ni Kathleen Forbes