Muling nagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon kaninang ala-1:27 ng hapon.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang ibinugang abo ay napadpad ng hangin patungo sa direksyon ng Timog-Kanluran.
Paalala nito sa publiko na mag-ingat sa pagpatak ng abo at manatiling alerto.
Hindi pa rin isinasantabi ang posibilidad na muling pagsabog ng bulkan lalo pa at nakataas pa rin sa Alert Level 3.
Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, dalawang beses na naglabas ng abo ang bulkan kahapon na tumagal ng 17 hanggang 33 minuto ang haba.
Nagparamdam ng siyam na pagyanig at naglabas ng sulfur dioxide flux na hanggang 2,969 tonelada kada araw. | ulat ni Rey Ferrer