VISCOM, pinarangalan ni VP Sara Duterte sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si AFP Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo kay Vice President Sara Duterte sa ipinagkaloob niyang parangal sa VISCOM sa ‘Pasidungog’ 2023 nitong Lunes.

Ang parangal ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng VISCOM sa bisyon ng Office of the Vice President (OVP) na makaliklha ng “lasting impact” sa buhay ng mga mamayan sa Visayas Region sa larangan ng Disaster Response Operations.

Sinabi ni Lt. Gen. Arevalo na ang pagkilala sa kanilang serbisyo ay nagsisilbing inspirasyon para lalung pagbutihin ang kanilang diaster response operations.

Matatandaang nitong nakalipas na bagyong Betty, maagang naghanda ang VISCOM sa pamamagitan ng pag-standby ng 122 Humanitarian and Disaster Response (HADR) Teams at 201 mobility assets.

Ang ‘Pasidungog’ 2023 ay inorganisa ng OVP para kilalanin ang iba’t ibang ahensya ng gubyerno, stakeholders at organisasyon sa pampublikong at pribadong sektor na nakatulong sa OVP sa paglilingkod sa mga mamayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us