LTFRB, naglabas ng commuter tips ngayong tag-ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng ilang paalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bumibyaheng commuter ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon sa LTFRB, dapat na palaging i-monitor ng mga commuter ang lagay ng panahon at alamin ang mga kanseladong biyahe.

Kung wala ring importanteng lakad, mas mainam kung manatili na lang sa bahay.

Kung aalis naman, dapat aniyang siguruhin na fully-charged ang inyong mobile phone o gadgets.

Lagi ring magdala ng payong, kapote, at tsinelas, o kung maaari, magsuot ng bota.

At hanggang maaari, iwasan ang paglusong sa baha at kung di naman maiiwasan, hugasan agad ang paa upang makaiwas sa anumang sakit.

Una na ring naglabas ng “Tsuper Tips” ang LTFRB para sa mas ligtas nilang pamamasada ngayong rainy season.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us