50% ng populasyon sa Sulu, rehistrado na sa PhilSys

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa kabuuang 440,252 na mga mamamayan sa lalawigan ng Sulu ang nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Sulu, katumbas ito ng 50.71% ng census of population and housing (CPH) ng probinsya.

Nitong Mayo, nasa 8,514 ang nakarehisto sa PhilSys na karamihan ay taga-Jolo. Pumalo ito sa 951 na mas mataas kung ikukumpara sa mga nagpatala noong Abril na mayroon lamang 619.

Mataas din ang bilang ng mga registrant sa Indanan – 850; Siasi – 795; Talipao – 772; Kalinggalan Caluang – 729; Tapul – 723; at Parang – 701.

Samantala, naka-issue at naka-deliver naman ng kabuang 329,655 electronic PhilID ang PSA Sulu mula nang masimulan ang pamamahagi nito.

Sa datos, mayroong 42,742 ang kanilang naimprentang ePhilID nitong Mayo kung saan nanguna pa rin ang Jolo sa may maraming naimprenta na pumalo sa 5,442.  

Sinundan naman ito ng Patikul na 5,144; 4,283 sa Parang; 4,165 sa Maimbung; at 4,004 sa Pangutaran.

Patuloy na isinasagawa ng PSA Sulu ang mobile registration sa mga malalayong bayan sa lalawigan maliban sa kanilang PhilSys Registration Center na matatagpuan sa sentro ng Jolo. | ulat ni Eloiza Mohammad | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us