Umaasa ang pribadong sektor na magtutuloy-tuloy na ang pagbagal ng inflation rate sa bansa, kasunod ng naitalang 6.1 percent nitong Mayo, kumpara sa 6.6 percent noong Abril.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion, na bagamat mayroong ilang produkto ang nagtataas ang presyo dahil sa desisyon ng ilang bansa na limitahan ang kanilang produksyon, nakikita naman aniya ang pagbaba ng commodity prices sa buong mundo.
“Ang nangyayari ngayon in the whole world, iyong commodity prices have started to come down and that is a good sign. Pero we have seen some oil prices moving up dahil, you know, some countries are restricting supply.” – Concepcion
Magandang tanda aniya ito, na ang inflation ay magiging mas mababa na kumpara sa naitala noong nakaraang taon.
“But, nevertheless, inflation will be much less than last year.” — Concepcion
Kung magpapatuloy aniya ang paglakas pa ng piso kontra dolyar, positibo si Concepcion na ngayong 2023, babagal pa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. | ulat ni Racquel Bayan